paglipas ng panahon

At 7:36 AM on Tuesday, June 12, 2007

kay daling lumipas ng panahon. marami ng nangyari. may mga bagay na hindi ko inakala na mangyayari sa buhay ko. mga bagay na hindi ko sinasadyang maramdaman . hindi ko alam kung kailan at paano nag umpisa ang tanging alam ko lang masaya ako sa nararamdaman ko.

marami rin palang akong pinalampas sa buhay ko. katulad mo. andyan ka lang pero ngayon lang kita nabigyan ng pansin. mula pagkabata andyan ka na pero ni minsan hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkausap man lang. ang tagal ng panahon yon. ni minsan kasi hindi ko natandaan na nakipaglaro ka sa amin. parati ka lang nakatingin. parang napakahirap mong abutin kahit nung time na lumalaki na tayo. marami rin pagkakataon na dapat nagkalapit tayo pero siguro hindi talaga tayo pinagtagpo ng mga panahong yon. siguro nga may dahilan.

may mga bagay na nangyari ng di natin sinasadya . mga bagay na talagang panahon lang ang nakakaalam. sa isang pagkakamali nag umpisa ang lahat. pero siguro dahilan na lamang yon. nag umpisa sa isang salitang sorry hanggang di natin namalayan na marami na pala tayong napag uusapan. umpisa pagkabata, mga problema, mga taong naging bahagi ng buhay natin at mga hinanakit sa buhay. unti unti naging malapit tayo sa isat isa ng di sinasadya. minsan tinanong kita sabi ko bakit hindi kita nakita noon pa? sinagot mo ko na ako lang naman ang nawala. siguro nga dahil nabulag ako sa isang pagmamahal. pagmamahal na akala ko totoo. hindi ko rin maalis sa isip ko bakit nga ba hindi tayo pinagtagpo? bakit nga ba hindi naging tayo? siguro dahil kailangan natin matuto sa magiging karanasan natin.

hanggang isang araw kailangan ko ng isang kaibigan na iintindi, makakausap at maiiyakan. at ikaw ang naandyan para sa akin. walang sawang nakikinig sa paulit ulit na kwento ng buhay ko at walang sawa na nagpapayo. ikaw rin ang nagmulat sa akin na marami akong dapat ipasalamat na hindi dapat mag patalo sa pagsubok na dumarating sa atin. na marami pa rin nagmamahal at magmamahal sa akin.kung nawala man ang isa siguro sa tamang panahon merong darating na para sa akin na tunay na magmamahal at mag aalaga.

Love,
Joy