yugto ng buhay.
At 2:31 AM on
Sunday, June 10, 2007
maraming bagay din ang dapat kong ipasalamat sa isang taong naging parte ng buhay ko sa mahabang panahon. marami akong natutunan sa takbo ng buhay. naging masaya rin naman ako. natuto akong magmahal.. natuto akong mag bigay higit pa sa kaya ko at isarkipisyo ang maraming bagay dahil lang sa pagmamahal na yon... ikanga no regrets... hindi ko rin inakala na matatapos rin ang mga bagay na yon sa buhay ko... minsan hindi ko rin maintindihan bakit nga ba kailangan masaktan or saktan mo ang isang tao na sinasabi mong mahal mo...??? di ba dapat isipin mo muna lahat ang mga bagay bago mo gawin kung masasaktan ba sya o hindi. ?? marami pa rin minsan tanong sa isip at puso ko hanggang ngayon.. me mga tanong na unti unti ko nang naiintindihan at tinanggap sa puso ko.. masakit man ang nangyari tanggap ko naman at naiintindihan. siguro nga napatawad na talaga kita.. ni isa mang hininakit wala na sa puso ko... hindi ko namalayan sa paglipas ng araw unti unti na pa lang nawala. matagal ko ding iningatan ang pagmamahal na yon.pero sadyang magpaglaro ang tadhana. hindi ka nakontento kung ano meron tayo o kung ano ang kaya kong ibigay. siguro nga eto na ang tamang pagkakataon na kalimutan na ang nakaraan at tanggapin kung ano ang bukas na naghihintay para sa iyo at sa akin... i am letting you go...sana maging masaya ka sa landas na pinili mo..at maging masaya ka rin para sa akin .ito na rin siguro ang panahon para isara ang isang yugto sa buhay ko at mag simula ng panibago........ Love,
Joy
